A A A A A
×

English Bible

Isaiah 30

1
Sa aba ng mga mapanghimagsik na mga anak, sabi ng Panginoon, na nagsisisangguni, nguni't hindi sa akin; at nangagaalay ng alay, nguni't hindi sa aking Espiritu, upang makapagdagdag ng kasalanan sa kasalanan:
2
Ang nagsisilakad na nagsisilusong sa Egipto, at hindi nangagtanong sa aking bibig; upang mangagpakalakas sa lakas ni Faraon, at magsitiwala sa lilim ng Egipto!
3
Kaya't ang lakas ni Faraon ay magiging inyong kahihiyan, at ang pagtiwala sa lilim ng Egipto ay inyong pagkalito.
4
Sapagka't ang kaniyang mga pangulo ay nangasa Zoan, at ang kanilang mga sugo ay nagsidating sa Hanes.
5
Silang lahat ay mangapapahiya dahil sa bayan na hindi nila mapapakinabangan, na hindi tulong o pakinabang man, kundi kahihiyan, at kakutyaan din naman.
6
Ang hula tungkol sa mga hayop ng Timugan. Sa lupain ng kabagabagan at ng kahapisan, na pinanggagalingan ng leong babae at lalake, ng ulupong at ng lumilipad na makamandag na ahas, kanilang dinadala ang kanilang mga kayamanan sa mga gulugod ng mga batang asno, at ang kanilang mga kayamanan sa umbok ng gulugod ng mga kamelyo, sa isang bayan na hindi nila mapapakinabangan.
7
Sapagka't ang Egipto ay tumulong na walang kabuluhan, at walang kapararakan: kaya't aking tinawag siyang Rahab na nauupong walang kibo.
8
Ngayo'y yumaon ka, isulat mo sa harap nila sa isang tapyas na bato, at ititik mo sa isang aklat upang manatili sa panahong darating na walang hanggan.
9
Sapagka't mapanghimagsik na bayan, mga sinungaling na anak, mga anak na hindi didinig ng kautusan ng Panginoon:
10
Na nagsasabi sa mga tagakita, Huwag kayong kumita; at sa mga propeta, Huwag kayong manghula sa amin ng mga matuwid na bagay, magsalita kayo sa amin ng mga malubay na bagay, manghula kayo ng mga magdarayang bagay:
11
Humiwalay kayo sa daan, lumihis kayo sa landas, papaglikatin ninyo ang Banal ng Israel sa harap namin.
12
Kaya't ganito ang sabi ng Banal ng Israel, Sapagka't inyong hinamak ang salitang ito, at nagsitiwala kayo sa kapighatian at kasuwailan, at yaon ay inyong inaasahan:
13
Kaya't ang kasamaang ito ay magiging sa inyo'y gaya ng batong sira na madaling mababagsak, na natatanggal sa isang matayog na pader, na biglang dumarating ang pagkasira sa isang sangdali.
14
At yao'y kaniyang babasagin na gaya ng pagbasag ng palyok ng magpapalyok, na nababasag na putolputol na walang matitira; na anopat walang masusumpungan na kapiraso sa mga putol niyaon, na maikukuha ng apoy mula sa apuyan, o maikakadlo ng tubig sa balon.
15
Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, ng Banal ng Israel, Sa pagbabalik at sa pagpapahinga ay matitiwasay kayo; sa katahimikan at sa pagasa ay magiging ang inyong lakas. At hindi ninyo inibig.
16
Kundi inyong sinabi, Hindi, sapagka't kami ay magsisitakas na mangangabayo: kaya kayo'y magsisitakas: at, Kami ay magsisisakay sa mga maliksi; kaya't silang magsisihabol sa inyo ay maliliksi.
17
Isang libo ay tatakas sa saway ng isa; sa saway ng lima ay tatakas kayo: hanggang sa kayo'y maiwang parang isang palatandaan sa taluktok ng bundok, at gaya ng isang watawat sa isang burol.
18
At dahil dito maghihintay ang Panginoon, upang siya'y maging mapagbiyaya sa inyo, at kaya't mabubunyi siya, na siya'y magdadalang habag sa inyo: sapagka't ang Panginoon ay Dios ng kahatulan; mapapalad yaong lahat na nangaghihintay sa kaniya.
19
Sapagka't ang bayan ay tatahan sa Sion sa Jerusalem: ikaw ay hindi na iiyak pa; siya'y tunay na magiging mapagbiyaya sa iyo sa tinig ng iyong daing; pagka kaniyang maririnig, sasagutin ka niya.
20
At bagaman bigyan kayo ng Panginoon ng tinapay ng kasakunaan at ng tubig ng kadalamhatian, gayon may hindi na makukubli pa ang iyong mga tagapagturo, kundi makikita ng iyong mga mata ang iyong mga tagapagturo:
21
At ang iyong mga pakinig ay makakarinig ng salita sa likuran mo, na nagsasabi, Ito ang daan, lakaran ninyo; pagka kayo'y pumipihit sa kanan, at pagka kayo'y pumipihit sa kaliwa.
22
At inyong lalapastanganin ang mga panakip ng inyong mga larawang pilak na inanyuan at ang pangbalot sa inyong mga larawang ginto na binubo: iyong ipaghahagis na gaya ng maruming bagay: iyong sasabihin, Humayo ka.
23
At Siya ay magbibigay ng ulan sa iyong binhi, na iyong hahasikan ang lupa; at ng pagkaing bunga ng lupa, at magiging mataba at sagana. Sa araw na yaon ay manginginain ang iyong mga hayop sa mga malaking pastulan.
24
Ang mga baka at gayon din ang mga guyang asno na bumubukid ng lupa ay magsisikain ng may lasang pagkain, na pinahanginan ng pala at hunkoy.
25
At magkakaroon ng mga ilog at mga balon ng tubig sa lahat na mataas na bundok, at sa lahat na matayog na burol, sa araw ng malaking patayan, pagka ang mga moog ay nabubuwal.
26
Bukod dito'y ang liwanag ng buwan ay magiging gaya ng liwanag ng araw, at ang liwanag ng araw ay magpipito, na gaya ng liwanag ng pitong araw, sa araw na talian ng Panginoon ang sugat ng kaniyang bayan, at pagalingin ang bugbog na kanilang sugat.
27
Narito, ang pangalan ng Panginoon ay magmumula sa malayo, na nagniningas ng kaniyang galit, at nasa umiilanglang na salimuot na usok: ang kaniyang mga labi ay puno ng pagkagalit, at ang kaniyang dila ay gaya ng mamumugnaw na apoy:
28
At ang kaniyang hinga ay gaya ng umaapaw na ilog, na umaabot hanggang sa leeg, upang igigin ang mga bansa ng pangigig na pangsira; at isang paningkaw na nakapagpapaligaw ay malalagay sa mga panga ng mga bayan.
29
Kayo'y mangagkakaroon ng awit na gaya ng sa gabi pagka ang banal na kapistahan ay ipinagdidiwang; at kasayahan ng puso, na gaya ng yumayaon na may plauta upang masok sa bundok ng Panginoon, sa malaking Bato ng Israel.
30
At iparirinig ng Panginoon ang kaniyang maluwalhating tinig, at ipakikilala ang pagbabaka ng kaniyang bisig, na may pagkagalit ng kaniyang galit, at ng liyab ng mamumugnaw na apoy, na may bugso ng ulan, at bagyo, at granizo,
31
Sapagka't sa pamamagitan ng tinig ng Panginoon ay mangagkakawatakwatak ang taga Asiria, na nananakit ng pamalo.
32
At bawa't hampas ng takdang tungkod, na ibabagsak ng Panginoon sa kaniya, mangyayaring may mga pandereta at may mga alpa; at sa mga pakikipagbakang may pagkayanig ay makikipaglaban siya sa kanila,
33
Sapagka't ang Topheth ay handa nang malaon; oo, sa ganang hari ay inihanda; kaniyang pinalalim at pinalaki: ang bunton niyaon ay apoy at maraming kahoy: ang hinga ng Panginoon na gaya ng bugso ng azufre, ay nagpapaningas ng apoy.
Isaiah 30:1
Isaiah 30:2
Isaiah 30:3
Isaiah 30:4
Isaiah 30:5
Isaiah 30:6
Isaiah 30:7
Isaiah 30:8
Isaiah 30:9
Isaiah 30:10
Isaiah 30:11
Isaiah 30:12
Isaiah 30:13
Isaiah 30:14
Isaiah 30:15
Isaiah 30:16
Isaiah 30:17
Isaiah 30:18
Isaiah 30:19
Isaiah 30:20
Isaiah 30:21
Isaiah 30:22
Isaiah 30:23
Isaiah 30:24
Isaiah 30:25
Isaiah 30:26
Isaiah 30:27
Isaiah 30:28
Isaiah 30:29
Isaiah 30:30
Isaiah 30:31
Isaiah 30:32
Isaiah 30:33
Isaiah 1 / Isa 1
Isaiah 2 / Isa 2
Isaiah 3 / Isa 3
Isaiah 4 / Isa 4
Isaiah 5 / Isa 5
Isaiah 6 / Isa 6
Isaiah 7 / Isa 7
Isaiah 8 / Isa 8
Isaiah 9 / Isa 9
Isaiah 10 / Isa 10
Isaiah 11 / Isa 11
Isaiah 12 / Isa 12
Isaiah 13 / Isa 13
Isaiah 14 / Isa 14
Isaiah 15 / Isa 15
Isaiah 16 / Isa 16
Isaiah 17 / Isa 17
Isaiah 18 / Isa 18
Isaiah 19 / Isa 19
Isaiah 20 / Isa 20
Isaiah 21 / Isa 21
Isaiah 22 / Isa 22
Isaiah 23 / Isa 23
Isaiah 24 / Isa 24
Isaiah 25 / Isa 25
Isaiah 26 / Isa 26
Isaiah 27 / Isa 27
Isaiah 28 / Isa 28
Isaiah 29 / Isa 29
Isaiah 30 / Isa 30
Isaiah 31 / Isa 31
Isaiah 32 / Isa 32
Isaiah 33 / Isa 33
Isaiah 34 / Isa 34
Isaiah 35 / Isa 35
Isaiah 36 / Isa 36
Isaiah 37 / Isa 37
Isaiah 38 / Isa 38
Isaiah 39 / Isa 39
Isaiah 40 / Isa 40
Isaiah 41 / Isa 41
Isaiah 42 / Isa 42
Isaiah 43 / Isa 43
Isaiah 44 / Isa 44
Isaiah 45 / Isa 45
Isaiah 46 / Isa 46
Isaiah 47 / Isa 47
Isaiah 48 / Isa 48
Isaiah 49 / Isa 49
Isaiah 50 / Isa 50
Isaiah 51 / Isa 51
Isaiah 52 / Isa 52
Isaiah 53 / Isa 53
Isaiah 54 / Isa 54
Isaiah 55 / Isa 55
Isaiah 56 / Isa 56
Isaiah 57 / Isa 57
Isaiah 58 / Isa 58
Isaiah 59 / Isa 59
Isaiah 60 / Isa 60
Isaiah 61 / Isa 61
Isaiah 62 / Isa 62
Isaiah 63 / Isa 63
Isaiah 64 / Isa 64
Isaiah 65 / Isa 65
Isaiah 66 / Isa 66