1 |
Pagka ikaw ay nauupong kumain na kasalo ng isang pangulo, kilanlin mong maigi siya na nasa harap mo; |
2 |
At maglagay ka ng sundang sa iyong lalamunan, kung ikaw ay taong bigay sa pagkain. |
3 |
Huwag kang mapagnais ng kaniyang mga masarap na pagkain; yamang mga marayang pagkain. |
4 |
Huwag kang mainip sa pagyaman; tumigil ka sa iyong sariling karunungan. |
5 |
Iyo bang itititig ang iyong mga mata sa wala? Sapagka't ang mga kayamanan, ay tunay na nagsisipagpakpak, gaya ng aguila na lumilipad sa dakong langit. |
6 |
Huwag mong kanin ang tinapay niya na may masamang mata, ni nasain mo man ang kaniyang mga masarap na pagkain: |
7 |
Sapagka't kung ano ang iniisip niya sa loob niya, ay gayon siya: kumain ka at uminom ka, sabi niya sa iyo; nguni't ang puso niya ay hindi sumasaiyo. |
8 |
Ang subo na iyong kinain ay iyong isusuka, at iyong iwawala ang iyong mga matamis na salita. |
9 |
Huwag kang magsalita sa pakinig ng mangmang; sapagka't kaniyang hahamakin ang karunungan ng iyong mga salita. |
10 |
Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa; at huwag mong pasukin ang mga bukid ng ulila: |
11 |
Sapagka't ang kanilang Manunubos ay malakas; ipaglalaban niya ang kanilang usap sa iyo. |
12 |
Ihilig mo ang iyong puso sa turo, at ang iyong mga pakinig sa mga salita ng kaalaman. |
13 |
Huwag mong ipagkait ang saway sa bata: sapagka't kung iyong hampasin siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay. |
14 |
Iyong hahampasin siya ng pamalo, at ililigtas mo ang kaniyang kaluluwa sa Sheol. |
15 |
Anak ko, kung ang iyong puso ay magpakapantas, ang puso ko'y matutuwa sa makatuwid baga'y ang akin: |
16 |
Oo, ang aking puso ay magagalak pagka ang iyong mga labi ay nangagsasalita ng matuwid na mga bagay. |
17 |
Huwag managhili ang iyong puso sa mga makasalanan: kundi lumagay ka sa Panginoon buong araw: |
18 |
Sapagka't tunay na may kagantihan; at ang iyong pagasa ay hindi mahihiwalay. |
19 |
Makinig ka, anak ko, at ikaw ay magpakapantas, at patnubayan mo ang iyong puso sa daan. |
20 |
Huwag kang mapasama sa mga mapaglango; sa mga mayamong mangangain ng karne: |
21 |
Sapagka't ang manglalasing at ang mayamo ay darating sa karalitaan: at ang antok ay magbibihis sa tao ng pagkapulubi. |
22 |
Dinggin mo ang iyong ama na naging anak ka, at huwag mong hamakin ang iyong ina kung siya'y tumanda. |
23 |
Bumili ka ng katotohanan at huwag mong ipagbili: Oo karunungan, at turo, at pag-uunawa. |
24 |
Ang ama ng matuwid ay magagalak na lubos: at siyang nagkaanak ng pantas na anak ay magagalak sa kaniya. |
25 |
Mangatuwa ang iyong ama at ang iyong ina, at magalak siyang nanganak sa iyo. |
26 |
Anak ko, ibigay mo sa akin ang iyong puso, at malugod ang iyong mga mata sa aking mga daan. |
27 |
Sapagka't ang isang patutot ay isang malalim na lubak; at ang babaing di kilala ay makipot na lungaw. |
28 |
Oo, siya'y bumabakay na parang tulisan, at nagdaragdag ng mga magdaraya sa gitna ng mga tao. |
29 |
Sinong may ay? sinong may kapanglawan? sinong may pakikipagtalo? sinong may daing? sino ang may sugat na walang kadahilanan? sino ang may maningas na mata? |
30 |
Silang nangaghihintay sa alak; silang nagsisiyaon upang humanap ng pinaghalong alak. |
31 |
Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro, |
32 |
Sa huli ay kumakagat ito na parang ahas, at tumutukang parang ulupong. |
33 |
Ang iyong mga mata ay titingin ng mga katuwang bagay, at ang iyong puso ay nagbabadya ng mga magdarayang bagay. |
34 |
Oo, ikaw ay magiging parang nahihiga sa gitna ng dagat, o parang nahihiga sa dulo ng isang palo ng sasakyan. |
35 |
Kanilang pinalo ako, iyong sasalitain, at hindi ako nasaktan; kanilang hinampas ako, at hindi ko naramdaman: kailan gigising ako? aking hahanapin pa uli.
|
Standard Bible |
Public Domain |