|
|
|
|
Lumang Tipan
|
|
Bagong Tipan
|
|
|
|
Filipino Banal na Bibliya 1905
|
|
|
|
1 |
Ang mga kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel: |
2 |
Upang umalam ng karunungan at turo; upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa; |
3 |
Upang tumanggap ng turo sa pantas na paguugali, sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan; |
4 |
Upang magbigay ng katalinuhan sa musmos. Kaalaman at pagbubulay sa kabataan: |
5 |
Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo: at upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo: |
6 |
Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan; ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong sabi. |
7 |
Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo. |
8 |
Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina: |
9 |
Sapagka't sila'y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo, at mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg. |
10 |
Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan, huwag mong tulutan. |
11 |
Kung kanilang sabihin, sumama ka sa amin, tayo'y magsibakay sa pagbububo ng dugo, tayo'y mangagkubli ng silo na walang anomang kadahilanan sa walang sala; |
12 |
Sila'y lamunin nating buhay na gaya ng Sheol. At buo, na gaya ng nagsibaba sa lungaw; |
13 |
Tayo'y makakasumpong ng lahat na mahalagang pag-aari, ating pupunuin ang ating mga bahay ng samsam; |
14 |
Ikaw ay makikipagsapalaran sa gitna namin; magkakaroon tayong lahat ng isang supot: |
15 |
Anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila; pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas: |
16 |
Sapagka't ang kanilang mga paa ay nagsisitakbo sa kasamaan, at sila'y nangagmamadali sa pagbububo ng dugo. |
17 |
Sapagka't walang kabuluhang naladlad ang silo, sa paningin ng alin mang ibon: |
18 |
At binabakayan ng mga ito ang kanilang sariling dugo, kanilang ipinagkukubli ng silo ang kanilang sariling mga buhay. |
19 |
Ganyan ang mga lakad ng bawa't sakim sa pakinabang; na nagaalis ng buhay ng mga may-ari niyaon. |
20 |
Karunungan ay humihiyaw na malakas sa lansangan; kaniyang inilalakas ang kaniyang tinig sa mga luwal na dako; |
21 |
Siya'y humihiyaw sa mga pangulong dako na pinaglilipunan; sa pasukan ng mga pintuang-bayan, sa bayan, kaniyang binibigkas ang kaniyang mga salita: |
22 |
Hanggang kailan kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan? At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya, at ang mga mangmang ay mangagtatanim sa kaalaman? |
23 |
Magsibalik kayo sa aking saway: narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo. |
24 |
Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig; |
25 |
Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, at hindi ninyo inibig ang aking saway: |
26 |
Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating; |
27 |
Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo. |
28 |
Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan: |
29 |
Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, at hindi pinili ang takot sa Panginoon. |
30 |
Ayaw sila ng aking payo; kanilang hinamak ang buo kong pagsaway: |
31 |
Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, at mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan. |
32 |
Sapagka't papatayin sila ng pagtalikod ng musmos, at ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila. |
33 |
Nguni't ang nakikinig sa akin ay tatahang tiwasay. At tatahimik na walang takot sa kasamaan. |
Filipino Bible 1905 |
Public Domain: 1905 |