1 |
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. |
2 |
Magsabi ngayon ang Israel, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. |
3 |
Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. |
4 |
Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. |
5 |
Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon: sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako sa maluwag na dako. |
6 |
Ang Panginoon ay kakampi ko; hindi ako matatakot: anong magagawa ng tao sa akin? |
7 |
Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin: kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin. |
8 |
Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa tao. |
9 |
Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo. |
10 |
Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila. |
11 |
Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila. |
12 |
Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y nangamatay na parang apoy ng mga dawag: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila. |
13 |
Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal: nguni't tulungan ako ng Panginoon. |
14 |
Ang Panginoon ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan. |
15 |
Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid: ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang. |
16 |
Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi; ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang. |
17 |
Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay, at magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon. |
18 |
Pinarusahan akong mainam ng Panginoon; nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan. |
19 |
Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran; aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon. |
20 |
Ito'y siyang pintuan ng Panginoon; papasukan ng matuwid. |
21 |
Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako! At ikaw ay naging aking kaligtasan. |
22 |
Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok. |
23 |
Ito ang gawa ng Panginoon: kagilagilalas sa harap ng ating mga mata. |
24 |
Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan. |
25 |
Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon: Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan. |
26 |
Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon: aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon. |
27 |
Ang Panginoon ay Dios, at binigyan niya kami ng liwanag; talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila sungay ng dambana. |
28 |
Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo: ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka. |
29 |
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
|
Standard Bible |
Public Domain |