1 |
Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, |
2 |
Paano mong tinulungan siya na walang kapangyarihan! Paano mong iniligtas ang kamay na walang lakas! |
3 |
Paano mong pinayuhan siya na walang karunungan, at saganang ipinahayag mo ang mabuting kaalaman! |
4 |
Kanino mo binigkas ang mga salita? At kanino ang diwa na lumabas sa iyo? |
5 |
Ang mga patay ay nanginginig sa ilalim ng tubig, at ang mga nananahan doon. |
6 |
Ang Sheol ay hubad sa harap ng Dios, at ang Abaddon ay walang takip. |
7 |
Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman, at ibinibitin ang lupa sa wala. |
8 |
Kaniyang itinatali ang tubig sa kaniyang masinsing alapaap; at ang alapaap ay hindi nahahapak sa ilalim nila. |
9 |
Kaniyang tinatakpan ang ibabaw ng kaniyang luklukan, at iniladlad ang kaniyang mga alapaap sa ibabaw niyaon. |
10 |
Siya'y gumuguhit ng isang hangganan sa ibabaw ng tubig, hanggang sa pinagsasalikupan ng liwanag at kadiliman. |
11 |
Ang mga haligi ng langit ay nagsisipanginig. At nangatitigilan sa kaniyang saway. |
12 |
Kaniyang pinapag-iinalon ang dagat ng kaniyang kapangyarihan, at sa kaniyang kaalaman ay sinasaktan niya ang Rahab. |
13 |
Sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu ay ginayakan niya ang langit; sinaksak ng kaniyang mga kamay ang maliksing ahas. |
14 |
Narito, ang mga ito ang mga gilid lamang ng kaniyang mga daan: at pagkarahan ng bulong na ating naririnig sa kaniya! Nguni't sinong makakaunawa ng kulog ng kaniyang kapangyarihan?
|
Standard Bible |
Public Domain |