Bibliya sa isang taon


Setyembre 18


Awit ni Solomon 1:1-17
1. Ang awit ng mga awit, na kay Salomon.
2. Hagkan niya ako ng mga halik ng kaniyang bibig: sapagkat ang iyong pagsinta ay maigi kay sa alak.
3. Ang iyong mga langis ay may masarap na amoy; ang iyong pangalan ay gaya ng langis na ibinuhos; kayat sinisinta ka ng mga dalaga.
4. Batakin mo ako, tatakbo kaming kasunod mo: Ipinasok ako ng hari sa kaniyang mga silid: kami ay matutuwa at magagalak sa iyo. Aming babanggitin ang iyong pagsinta ng higit kay sa alak: matuwid ang pagsinta nila sa iyo.
5. Akoy maitim, ngunit kahalihalina, Oh kayong mga anak na babae ng Jerusalem, gaya ng mga tolda sa Cedar, gaya ng mga tabing ni Salomon.
6. Huwag ninyo akong masdan dahil sa akoy kayumanggi, sapagkat sinunog ako ng araw. Ang mga anak ng aking ina ay nagalit laban sa akin, kanilang ginawa akong tagapagingat ng mga ubasan; ngunit ang sarili kong ubasan ay hindi ko iningatan.
7. Saysayin mo sa akin, ikaw na sinisinta ng aking kaluluwa, kung saan mo pinapastulan ang iyong kawan, kung saan mo pinagpapahinga sa katanghaliang tapat: sapagkat bakit akoy magiging gaya ng nalalambungan sa siping ng mga kawan ng iyong mga kasama?
8. Kung hindi mo nalalaman, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae, yumaon kang sumunod sa mga bakas ng kawan, at pastulan mo ang iyong mga anak ng kambing sa siping ng mga tolda ng mga pastor.
9. Aking itinulad ka, Oh aking sinta, sa isang kabayo sa mga karo ni Faraon.
10. Pinagaganda ang iyong mga pisngi ng mga tirintas ng buhok, ang iyong leeg ng mga kuwintas na hiyas.
11. Igagawa ka namin ng mga kuwintas na ginto na may mga kabit na pilak.
12. Samantalang ang hari ay nauupo sa kaniyang dulang, ang aking nardo ay humahalimuyak ng kaniyang bango.
13. Ang aking sinta ay gaya ng bigkis ng mira sa akin, na humihilig sa pagitan ng aking mga suso.
14. Ang sinta ko ay gaya ng kumpol ng bulaklak ng alhena sa akin sa mga ubasan ng En-gadi.
15. Narito, ikaw ay maganda, sinta ko, narito, ikaw ay maganda; ang iyong mga mata ay gaya ng mga kalapati.
16. Narito, ikaw ay maganda sinisinta ko, oo, maligaya: ang ating higaan naman ay lungtian.
17. Ang mga kilo ng ating bahay ay mga sedro, at ang kaniyang mga bubong ay mga sipres.

Awit ni Solomon 2:1-17
1. Akoy rosa ng Saron, lila ng mga libis.
2. Kung paano ang lila sa gitna ng mga tinik, gayon ang aking pagsinta sa mga dalaga.
3. Kung paano ang puno ng mansanas sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat, gayon ang aking sinta sa gitna ng mga anak na lalake. Akoy nauupo sa ilalim ng kaniyang lilim na may malaking kaluguran. At ang kaniyang bunga ay naging matamis sa aking lasa.
4. Dinala niya sa bahay na may pigingan, at ang kaniyang watawat sa akin ay pagsinta.
5. Kandilihin ninyo ako ng mga pasas, aliwin ninyo ako ng mga mansanas: sapagkat akoy may sakit na pagsinta.
6. Ang kaniyang kaliwang kamay ay nasa ilalim ng aking ulo, at ang kaniyang kanang kamay ay yumayakap sa akin.
7. Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang, na huwag ninyong pukawin, o gisingin man ang aking pagsinta, hanggang sa ibigin niya.
8. Ang tinig ng aking sinta! narito, siyay dumarating, na lumulukso sa mga bundok, lumulundag sa mga burol.
9. Ang aking sinta ay gaya ng usa o ng batang usa: narito, siyay tumatayo sa likod ng ating bakod, siyay sumusungaw sa mga dungawan, siyay napakikita sa mga silahia.
10. Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin, Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.
11. Sapagkat narito, ang tagginaw ay nakaraan; ang ulan ay lumagpas at wala na;
12. Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa; ang panahon ng pagaawitan ng mga ibon ay dumarating, at ang tinig ng batobato ay naririnig sa ating lupain;
13. Nahihinog ang sariwang mga bunga ng puno ng higos, at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak, kanilang pinahahalimuyak ang kanilang bango. Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.
14. Oh kalapati ko, na nasa mga bitak ng malalaking bato, sa puwang ng matarik na dako, ipakita mo sa akin ang iyong mukha, iparinig mo sa akin ang iyong tinig; Sapagkat matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kahalihalina.
15. Hulihin ninyo para sa atin ang mga sora, ang mga munting sora na naninira ng mga ubasan; sapagkat ang ating mga ubasan ay namumulaklak.
16. Ang sinta ko ay akin, at ako ay kaniya: pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.
17. Hanggang sa ang araw ay lumamig, at ang mga lilim ay mawala, pumihit ka, sinta ko, at ikaw ay maging gaya ng usa o ng batang usa sa mga bundok ng Bether.

Awit 104:1-9
1. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Oh Panginoon kong Dios ikaw ay totoong dakila; ikaw ay nabibihisan ng karangalan at kamahalan.
2. Na siyang nagbabalot sa iyo ng liwanag na parang bihisan; na siyang naguunat ng mga langit na parang tabing:
3. Na siyang naglalagay ng mga tahilan ng kaniyang mga silid sa tubig; na siyang gumagawa sa mga alapaap na kaniyang karro; na siyang lumalakad sa mga pakpak ng hangin:
4. Na siyang gumagawa sa mga hangin na mga sugo niya; ang kaniyang mga tagapangasiwa ay alab ng apoy:
5. Na siyang naglagay ng mga patibayan ng lupa, upang huwag makilos magpakailan man,
6. Iyong tinakpan ng kalaliman na tila isang bihisan; ang tubig ay tumatayo sa itaas ng mga bundok.
7. Sa iyong pagsaway silay nagsitakas; sa hugong ng iyong kulog ay nagmadaling nagsialis sila;
8. Silay nagsiahon sa mga bundok, silay nagsilusong sa mga libis, sa dako mong itinatag ukol sa kanila.
9. Ikaw ay naglagay ng hangganan upang silay huwag makaraan; upang silay huwag magsibalik na tumakip sa lupa.

Kawikaan 24:15-16
15. Huwag kang bumakay, Oh masamang tao, sa tahanan ng matuwid; huwag mong sirain ang kaniyang dakong pahingahan:
16. Sapagkat ang matuwid ay nabubuwal na makapito, at bumabangon uli: ngunit ang masama ay nabubuwal sa kasakunaan.

1 Corinto 11:17-34
17. Datapuwat sa pagtatagubilin sa inyo nito, ay hindi ko kayo pinupuri, sapagkat kayoy nangagkakatipon hindi sa lalong mabuti kundi sa lalong masama.
18. Sapagkat unaunay nababalitaan ko na kung nangagkakatipon kayo sa iglesia, ay mayroon sa inyong mga pagkakabahabahagi; at may kaunting paniniwala ako.
19. Sapagkat tunay na sa inyoy mayroong mga hidwang pananampalataya, upang yaong mga napatunayan na ay mangahayag sa inyo.
20. Kung kayo nga ay nangagkakatipon, ay hindi kayo maaaring magsikain ng hapunan ng Panginoon;
21. Sapagkat sa inyong pagkain, ang bawat isay kumukuha ng kanikaniyang sariling hapunan na nagpapauna sa iba; at ang isa ay gutom, at ang ibay lasing.
22. Ano, wala baga kayong mga bahay na inyong makakanan at maiinuman? o niwawalang halaga ninyo ang iglesia ng Dios, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman? Ano ang aking sasabihin sa inyo? Kayo bagay aking pupurihin? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri.
23. Sapagkat tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo; na ang Panginoong Jesus nang gabing siyay ipagkanulo ay dumampot ng tinapay;
24. At nang siyay makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Itoy aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.
25. At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong itoy siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayoy magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.
26. Sapagkat sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya.
27. Kayat ang sinomang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na di nararapat, ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.
28. Datapuwat siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro.
29. Sapagkat ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon.
30. Dahil ditoy marami sa inyo ang mahihina at mga masasaktin, at hindi kakaunti ang nangatutulog.
31. Datapuwat kung ating kilalanin ang ating sarili, ay hindi tayo hahatulan.
32. Datapuwat kung tayoy hinahatulan, ay pinarurusahan tayo ng Panginoon, upang huwag tayong mahatulang kasama ng sanglibutan.
33. Dahil dito, mga kapatid ko, kung kayoy mangagsasalosalo sa pagkain, ay mangaghintayan kayo.
34. Kung ang sinoman ay magutom, kumain siya sa bahay; upang ang inyong pagsasalosalo ay huwag maging sa paghatol. At ang iba ay aking aayusin pagpariyan ko.