Pinili ng Bibliya
|
|
Lumang Tipan
|
|
Bagong Tipan
|
|
|
|
Filipino Banal na Bibliya 1905
|
|
|
|
1 |
Ang aking diwa ay nanglulumo, ang aking mga kaarawan ay natatapos, ang libingan ay handa sa akin. |
2 |
Tunay na may mga manunuya na kasama ako, at ang aking mata ay nananahan sa kanilang pamumungkahi. |
3 |
Magbigay ka ngayon ng sangla, panagutan mo ako ng iyong sarili; sinong magbubuhat ng mga kamay sa akin? |
4 |
Sapagka't iyong ikinubli ang kanilang puso sa pagunawa: kaya't hindi mo sila itataas. |
5 |
Ang paglililo sa kaniyang mga kaibigan upang mahuli, ang mga mata nga ng kaniyang mga anak ay mangangalumata. |
6 |
Nguni't ginawa rin niya akong kakutyaan ng bayan: at niluraan nila ako sa mukha. |
7 |
Ang aking mata naman ay nanglalabo dahil sa kapanglawan. At ang madlang sangkap ko ay parang isang anino. |
8 |
Mga matuwid na tao ay matitigilan nito, at ang walang sala ay babangon laban sa di banal. |
9 |
Gayon ma'y magpapatuloy ang matuwid ng kaniyang lakad, at ang may malinis na mga kamay ay lalakas ng lalakas. |
10 |
Nguni't tungkol sa inyong lahat, magsiparito kayo ngayon uli; at hindi ako makakasumpong ng isang pantas sa gitna ninyo. |
11 |
Ang aking mga kaarawan ay lumipas, ang aking mga panukala ay nangasira, sa makatuwid baga'y ang mga akala ng aking puso. |
12 |
Kanilang ipinalit ang araw sa gabi: ang liwanag, wika nila, ay malapit sa kadiliman. |
13 |
Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay; kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman: |
14 |
Kung sinabi ko sa kapahamakan: ikaw ay aking ama: sa uod: ikaw ay aking ina, at aking kapatid na babae; |
15 |
Nasaan nga ang aking pagasa? At tungkol sa aking pagasa, sinong makakakita? |
16 |
Lulusong sa mga pangawan ng Sheol, pagtataglay ng kapahingahan sa alabok. |
Filipino Bible 1905 |
Public Domain: 1905 |