|
|
|
|
Lumang Tipan
|
|
Bagong Tipan
|
|
|
|
Filipino Banal na Bibliya 1905
|
|
|
|
1 |
Narito, nakita ang lahat na ito ng aking mata, ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa. |
2 |
Kung ano ang iyong nalalaman, ay nalalaman ko rin naman: hindi ako huli sa inyo. |
3 |
Walang pagsalang ako'y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat, at nagnanasa akong makipagmatuwiranan sa Dios. |
4 |
Nguni't kayo'y mapagkatha ng mga kabulaanan. Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan. |
5 |
Mano nawa ay magsitahimik kayong lahat! At magiging inyong karunungan. |
6 |
Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran, at inyong dinggin ang mga pagsasanggalang ng aking mga labi. |
7 |
Kayo ba'y mangagsasalita ng kalikuan dahil sa Dios, at mangungusap ng karayaan dahil sa kaniya? |
8 |
Inyo bang lilingapin ang kaniyang pagka Dios? Inyo bang ipakikipagtalo ang Dios? |
9 |
Mabuti ba na kayo'y siyasatin niya? O kung paanong dinadaya ang isang tao ay inyo bang dadayain siya? |
10 |
Walang pagsalang sasawayin niya kayo, kung lihim na kayo'y tatangi ng pagkatao. |
11 |
Hindi ba kayo tatakutin ng kaniyang karilagan, at ang gulat sa kaniya ay sasa inyo? |
12 |
Ang inyong mga alaalang sabi ay kawikaang abo, ang inyong mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang na putik. |
13 |
Magsitahimik kayo, bayaan ninyo ako, na ako'y makapagsalita, at paratingin sa akin ang darating. |
14 |
Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman, at aking ilalagay ang aking buhay sa aking kamay? |
15 |
Bagaman ako'y patayin niya, akin ding hihintayin siya: gayon ma'y aking aalalayan ang aking mga lakad sa harap niya. |
16 |
Ito man ay magiging aking kaligtasan; sapagka't ang isang di banal ay hindi makahaharap sa kaniya. |
17 |
Pakinggan ninyong masikap ang aking pananalita, at ang aking pahayag ay sumainyong mga pakinig. |
18 |
Narito, ngayon, aking inayos ang aking usap; talastas ko na ako'y matuwid. |
19 |
Sino ang makikipagtalo sa akin? Sapagka't ngayo'y tatahimik ako at malalagot ang aking hininga. |
20 |
Dalawang bagay lamang ang huwag mong gawin sa akin, kung magkagayo'y hindi ako magkukubli sa iyong mukha: |
21 |
Iurong mo ng malayo ang iyong kamay sa akin; at huwag akong takutin ng pangingilabot sa iyo. |
22 |
Kung magkagayo'y tumawag ka, at ako'y sasagot; o papagsalitain mo ako, at sumagot ka sa akin. |
23 |
Ilan ang aking mga kasamaan at mga kasalanan? Ipakilala mo sa akin ang aking pagsalangsang at ang aking kasalanan. |
24 |
Bakit ikinukubli mo ang iyong mukha, at inaari mo akong iyong kaaway? |
25 |
Iyo bang pangingilabutin ang isang dahong pinapaspas ng hangin? At iyo bang hahabulin ang dayaming tuyo? |
26 |
Sapagka't ikaw ay sumusulat ng mga mabigat na bagay laban sa akin, at ipinamamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan: |
27 |
Iyo ring inilalagay ang aking mga paa sa pangawan, at pinupuna mo ang lahat kong landas: ikaw ay gumuguhit ng isang guhit sa palibot ng mga talampakan ng aking mga paa: |
28 |
Bagaman ako'y parang bagay na bulok na natutunaw, na parang damit na kinain ng tanga. |
Filipino Bible 1905 |
Public Domain: 1905 |