Bibliya sa isang taon
Abril 19


Deuteronomio 25:1-19
1. Kung magkaroon ng pagkakaalit ang mga tao, at silay dumating sa hukuman, at silay hatulan ng mga hukom; ay kanila ngang mamatuwirin ang may matuwid at hahatulan ang salarin:
2. At mangyayari, na kung ang salarin ay marapat paluin, ay padadapain siya ng hukom sa lupa, at papaluin sa kaniyang harap, ayon sa kaniyang sala na may bilang,
3. Apat na pung palo ang maibibigay niya sa kaniya, huwag niyang lalagpasan: baka kung siyay lumagpas, at paluin niya ng higit sa mga ito ng maraming palo, ay maging hamak nga sa iyo ang iyong kapatid.
4. Huwag mong lalagyan ng pugong ang baka pagka gumigiik.
5. Kung ang magkapatid ay tumahang magkasama, at isa sa kanilay mamatay, at walang anak, ang asawa ng patay ay huwag magaasawa ng iba sa labas: ang kapatid ng kaniyang asawa ay sisiping sa kaniya, at kukunin siya niyang asawa, at tutuparin sa kaniya ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa.
6. At mangyayari, na ang panganay na kaniyang ipanganganak ay hahalili sa pangalan ng kaniyang kapatid na namatay, upang ang kaniyang pangalan ay huwag mapawi sa Israel.
7. At kung ayaw kunin ng lalake ang asawa ng kaniyang kapatid, ay sasampa nga ang asawa ng kaniyang kapatid sa pintuang-bayan sa mga matanda, at sasabihin, Ang kapatid ng aking asawa ay tumatangging itindig ang pangalan ng kaniyang kapatid sa Israel; ayaw niyang tuparin sa akin ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa.
8. Kung magkagayoy tatawagin siya ng mga matanda sa kaniyang bayan at pangungusapan siya: at kung siyay tumayo at sabihin niya, Ayaw kong kunin siya;
9. Ang asawa nga ng kapatid ay paroroon sa kaniya sa harap ng mga matanda at huhubarin ang panyapak niya sa kaniyang mga paa, at luluran siya sa mukha; at siyay sasagot at sasabihin, Ganyan ang gagawin sa lalake, na ayaw magtayo ng sangbahayan ng kaniyang kapatid.
10. At ang kaniyang pangalay tatawagin sa Israel, Ang bahay ng hinubaran ng panyapak.
11. Pag may dalawang lalaking nag-away, at ang asawa ng isa ay lumapit upang iligtas ang kaniyang asawa sa kamay ng nananakit sa kaniya, at iniunat niya ang kaniyang kamay at hinawakan niya ang mga sangkap na lihim:
12. Ay iyo ngang puputulin ang kaniyang kamay; ang iyong matay huwag manghihinayang.
13. Huwag kang magkakaroon sa iyong supot ng ibat ibang panimbang, ng isang malaki at ng isang maliit.
14. Huwag kang magkakaroon sa iyong bahay ng ibat ibang takalan, ng isang malaki at ng isang maliit.
15. Isang tunay at tapat na takalan magkakaroon ka; isang tunay at tapat na takalan magkakaroon ka: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
16. Sapagkat yaong lahat na gumagawa ng gayong mga bagay, sa makatuwid bagay yaong lahat ng gumagawa ng di matuwid ay kasuklamsuklam sa Panginoon mong Dios.
17. Alalahanin mo ang ginawa sa iyo ng Amalec sa daan nang ikaw ay lumabas sa Egipto;
18. Na kung paanong sinalubong ka niya sa daan, at sinaktan niya ang mga kahulihulihan sa iyo, yaong lahat na mahina sa hulihan mo, nang ikaw ay pagod at pagal; at siyay hindi natakot sa Dios.
19. Kayat mangyayari, na pagka binigyan ka ng Panginoon mong Dios ng kapahingahan sa lahat ng iyong mga kaaway sa palibot, sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana upang ariin, ay iyong papawiin ang pagalaala sa Amalec sa silong ng langit; huwag mong lilimutin.

Deuteronomio 26:1-19
1. At mangyayari, pagka nakapasok ka sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana, at iyong inaari, at iyong tinatahanan;
2. Na iyong kukunin ang mga una sa lahat ng bunga ng lupain, na iyong mga pipitasin sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios: at iyong isisilid sa isang buslo, at ikaw ay paroroon sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios, na patatahanan sa kaniyang pangalan:
3. At paroroon ka sa saserdote sa mga araw na yaon, at sasabihin mo sa kaniya, Aking ipinahahayag sa araw na ito sa Panginoon mong Dios, na akoy nasok sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa aming mga magulang, upang ibigay sa amin.
4. At kukunin ng saserdote ang buslo sa iyong kamay at ilalagay sa harap ng dambana ng Panginoon mong Dios.
5. At ikaw ay sasagot, at magsasabi sa harap ng Panginoon mong Dios, Isang taga Siria na kamunti nang mamatay ang aking ama; siyang bumaba sa Egipto, at nakipamayan doon, na kaunti sa bilang; at dooy naging isang bansang malaki, makapangyarihan, at makapal:
6. At kami ay tinampalasan ng mga taga Egipto, at pinighati kami at inatangan kami ng isang mabigat na pagkaalipin:
7. At kami ay dumaing sa Panginoon, sa Dios ng aming mga magulang at dininig ng Panginoon ang aming tinig, at nakita ang aming kadalamhatian, at ang aming gawa, at ang aming kapighatian;
8. At inilabas kami ng Panginoon sa Egipto ng kamay na makapangyarihan, at ng unat na bisig, at ng malaking kakilabutan, at ng mga tanda, at ng mga kababalaghan:
9. At kaniyang dinala kami sa lupaing ito, at ibinigay sa amin ang lupaing binubukalan ng gatas at pulot.
10. At ngayon, narito, aking dala ang mga una sa bunga ng lupa, na ibinigay mo sa akin, Oh Panginoon. At iyong ilalapag sa harap ng Panginoon mong Dios, at sasamba ka sa harap ng Panginoon mong Dios:
11. At magagalak ka sa lahat ng magaling na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, at sa iyong sangbahayan, ikaw, at ang Levita, at ang taga ibang lupa na nasa gitna mo.
12. Pagkatapos mo ng pagbibigay ng buong ikasangpung bahagi ng iyong pakinabang sa ikatlong taon, na siyang taon ng pagbibigay ng ikasangpung bahagi, ay magbibigay ka nga rin sa Levita, sa taga ibang lupa, sa ulila, at sa babaing bao, upang silay makakain sa loob ng iyong mga pintuang-daan, at mabusog;
13. At iyong sasabihin sa harap ng Panginoon mong Dios, Aking inalis ang mga pinapaging banal na bagay sa aking bahay, at akin ding ibinigay sa Levita, at sa taga ibang lupa, sa ulila at sa babaing bao, ayon sa iyong madlang utos na iyong iniutos sa akin: hindi ko sinalangsang ang anoman sa iyong mga utos, ni kinalimutan ko:
14. Hindi ko kinain sa aking pagluluksa, ni inilabas ko nang akoy marumi, ni ibinigay ko upang gamitin sa patay: aking dininig ang tinig ng Panginoon kong Dios; aking ginawa ayon sa buong iniutos mo sa akin.
15. Tumungo ka mula sa iyong banal na tahanan, mula sa langit, at pagpalain mo ang iyong bayang Israel, at ang lupa na iyong ibinigay sa amin, gaya ng iyong isinumpa sa aming mga magulang, na isang lupang binubukalan ng gatas at pulot.
16. Sa araw na ito ay iniuutos sa iyo ng Panginoon mong Dios, na tuparin mo ang mga palatuntunan at mga hatol na ito: iyo ngang gaganapin at tutuparin ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa.
17. Iyong ipinahayag sa araw na ito na ang Panginooy iyong Dios, at ikaw ay lalakad sa kaniyang mga daan, at iyong gaganapin ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga hatol, at iyong didinggin ang kaniyang tinig:
18. At inihayag ka ng Panginoon sa araw na ito, na maging isang bayan sa kaniyang sariling pag-aari, gaya ng ipinangako niya sa iyo, upang iyong ganapin ang lahat ng kaniyang utos;
19. At upang itaas ka sa lahat ng bansa na kaniyang nilikha, sa ikapupuri, at sa ikababantog, at sa ikararangal; at upang ikaw ay maging isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios, gaya ng kaniyang sinabi.

Awit 39:7-11
7. At ngayon, Panginoon, ano pa ang aking hinihintay? Ang aking pagasa ay nasa iyo.
8. Iligtas mo ako sa lahat ng aking mga pagsalangsang: huwag mo akong gawing katuyaan ng hangal.
9. Akoy pipi, hindi ko ibinuka ang aking bibig; sapagkat ikaw ang gumawa.
10. Iurong mo sa akin ang iyong suntok: akoy bugbog na sa suntok ng iyong kamay.
11. Pagka sa pamamagitan ng mga parusa dahil sa kasamaan ay iyong sinasaway ang tao, iyong sinisira ang kaniyang kagandahan na parang pagsira ng tanga: tunay na bawat tao ay walang kabuluhan. (Selah)

Kawikaan 13:4-6
4. Ang tamad ay nagnanasa, at walang anoman: ngunit ang kaluluwa ng masipag ay tataba.
5. Ang matuwid ay nagtatanim sa pagsisinungaling: ngunit ang masama ay kasuklamsuklam, at napapahiya.
6. Bumabantay ang katuwiran sa matuwid na lakad; ngunit inilulugmok ng kasamaan ang makasalanan.

Lucas 6:1-26
1. Nangyari nga nang dumaraan siya sa mga trigohan nang isang sabbath, ay kumitil ng mga uhay ang mga alagad niya, at kinakain pagkaligis sa kanilang mga kamay.
2. Datapuwat sinabi ng ilan sa mga Fariseo, Bakit ginagawa ninyo ang di matuwid gawin sa araw ng sabbath?
3. At pagsagot sa kanila ni Jesus ay sinabi, Hindi baga nabasa ninyo ang ginawa ni David, nang siyay magutom, siya, at ang mga kasamahan niya;
4. Kung paanong siyay pumasok sa bahay ng Dios, at kumain ng mga tinapay na handog, at binigyan pati ang kaniyang mga kasamahan; na hindi naaayon sa kautusan na kanin ninoman kundi ng mga saserdote lamang?
5. At sinabi niya sa kanila, Ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath.
6. At nangyari nang ibang sabbath, na siyay pumasok sa sinagoga at nagturo: at dooy may isang lalake, at tuyo ang kaniyang kanang kamay.
7. At inaabangan siya ng mga eskriba at ng mga Fariseo, kung siyay magpapagaling sa sabbath; upang makasumpong sila ng paraan na siyay maisakdal.
8. Datapuwat nalalaman niya ang kanilang mga kaisipan; at sinabi niya sa lalake na tuyo ang kamay, Magtindig ka at tumayo ka sa gitna. At siyay nagtindig at tumayo.
9. At sinabi sa kanila ni Jesus, Itinatanong ko sa inyo, Matuwid bagang gumawa ng magaling, o gumawa ng masama kung sabbath? magligtas ng isang buhay o pumuksa?
10. At minamasdan niya silang lahat sa palibotlibot, at sinabi sa kaniya, Iunat mo ang iyong kamay. At ginawa niyang gayon; at gumaling ang kaniyang kamay.
11. Datapuwat silay nangapuno ng galit; at nangagsangusapan, kung ano ang kanilang magagawang laban kay Jesus.
12. At nangyari nang mga araw na ito, na siyay napasa bundok upang manalangin; at sa buong magdamag ay nanatili siya sa pananalangin sa Dios.
13. At nang araw na, ay tinawag niya ang kaniyang mga alagad; at siyay humirang ng labingdalawa sa kanila, na tinawag naman niyang mga apostol:
14. Si Simon, na tinawag naman niyang Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, at si Santiago at si Juan, at si Felipe at si Bartolome.
15. At si Mateo at si Tomas, at si Santiago anak ni Alfeo, at si Simon, na tinatawag na Masikap,
16. At si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging lilo;
17. At bumaba siya na kasama nila, at tumigil sa isang patag na dako, at ang lubhang marami sa mga alagad niya, at ang lubhang malaking bilang ng mga tao mula sa buong Judea at sa Jerusalem, at sa pangpangin ng dagat ng Tiro at Sidon, na nangagsidalo upang magsipakinig sa kaniya, at upang pagalingin sa kanilang mga sakit;
18. Ang mga pinahihirapan ng mga espiritung karumaldumal ay pinagagaling.
19. At pinagpipilitan ng buong karamihan na siyay mahipo; sapagkat lumalabas sa kaniya ang makapangyarihang bisa, at nagpapagaling sa lahat.
20. At itiningin niya ang kaniyang mga mata sa kaniyang mga alagad, at sinabi, Mapapalad kayong mga dukha: sapagkat inyo ang kaharian ng Dios.
21. Mapapalad kayong nangagugutom ngayon: sapagkat kayoy bubusugin. Mapapalad kayong nagsisitangis ngayon: sapagkat kayoy magsisitawa.
22. Mapapalad kayo kung kayoy kapootan ng mga tao, at kung kayoy ihiwalay nila, at kayoy alimurahin, at itakuwil ang inyong pangalan na tila masasama, dahil sa Anak ng tao.
23. Mangagalak kayo sa araw na yaon, at magsilukso kayo sa kagalakan; sapagkat narito, ang ganti sa inyoy malaki sa langit; sapagkat sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga propeta.
24. Datapuwat sa aba ninyong mayayaman! sapagkat tinanggap na ninyo ang inyong kaaliwan.
25. Sa aba ninyo mga busog ngayon! sapagkat kayoy mangagugutom. Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon! sapagkat kayoy magsisitaghoy at magsisitangis.
26. Sa aba ninyo, pagka ang lahat ng mga tao ay mangagsalita ng magaling tungkol sa inyo! sapagkat sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga bulaang propeta.